“Mhm! Kaya nga siya ang kinuha kong maging tutor mo eh!” Tinapik ni Robert ang balikat ni Ivy at sinabi, “Sige na, tama na yan. Pumasok na tayo. Wag kang mag alala, nandito kami ni Daddy kung natatakot ka at ang pagkakaalam ko ay sa bahay din naman gaganapin ang mga klase niyo tuwing weekends.
Huminga ng malalim si Ivy at sumunod nalang kay Robert papasok.
"Daddy," Bati ni Ivy at saka niya binati si Harry, “Masaya po akong makilala kayo, Mr. Gadner.”
Kumpara sa nakikita niya sa TV, di hama