"Tama ka," sagot ni Elliot. “Maganda na ang pakiramdam ko, pwede na ba akong magtrabaho ulit? Nabobored na kasi ako dito sa bahay eh. Pwede bang kahit bumisita lang ako sa office?”
“Baka naman hindi ka na bumalik niyan ah!” Pang asar ni Avery. “Sige, kung talagang kaya mo na at gusto mo na talagang magtrabaho, pwede na.”
“Eh paano naman ikaw?” Sa pag aalala ni Elliot na baka si Avery naman ang mainip, may naisip siya “Bakit kaya hindi ka nalang sumama sa akin sa office? Pwede kitang bigyan ng