Kabanata 1055
“Nahanap mo ba si Shea?”

“Sige, kung ayaw mong patayin ko si Adrian, ang pamilya niya nalang.”

Hindi nakasagot si Avery.

Bakit kailangan niyang pumatay?

“Mataas pa rin ang lagnat mo kaya magpahinga ka muna. Wag ka na masyadong mag alala sakanya. Ibibilin ko sa bodyguard na bantayan siya ng maigi para hindi makalapit sakanya si Nathan. Pag usapan nalang ulit natin ‘to kapag magaling ka na.”

“Hindi matatapos ang problema, kung tatakbuhan natin ‘to palagi, Avery. Hindi kami pwedeng sabay na mabuhay.”

“Bakit? Wala namang gagawing masama sayo si Adrian. Wala siyang pinagkaiba kay Shea—mas mahina pa nga sila kaysa sa mga ordinaryong tao. Kaya mo bang patayin si Shea?” Hindi maintindihan ni Avery si Elliot.

“Patay na si Shea kaya wag na natin siyang idamay sa usapan.” Galit na sagot ni Elliot.

“Anong ginawang masama sayo ni Adrian? Bakit hindi mo nalang siya hayaang mabuhay?” Alam mi Avery na hahraapin at haharapin nila nio Elliot ang problemang ‘to, pero hindi niya inasahan na
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP