Kabanata 2060
Dahil hindi ito pinipilit ni Takuya, natapos agad ang meal nang walang anumang sagabal.

Hinanda ni Takuya na manatili si Gerald sa isa sa mga main guest house ng manor. Nagpaalam si Gerald kay Fujiko bago sumunod sa isang butler sa kanyang guest house...

Pagdating nila doon, hindi napigilan ni Gerald na sumipol. Simple lang ang bahay pero luxurious ang decorations ng mga ito... Sinuri niya ang kanyang paligid at nakita niya na may dalawang hall at tatlong kwarto sa buong bahay, kasama ang lahat ng mga basic living facilities.

Matapos isara ang pinto ng kanyang kwarto sa likod niya, inilapag ni Gerald ang kanyang bag at tinawagan si Aiden… Nang kumonekta ang tawag, agad namang tinanong ni Gerald, "Kumusta ang pagbalik sa hotel?"

Mabilis na naglakad si Aiden sa may bintana bago tumingin sa ibaba at bumulong, "Maraming nagpa-patrol sa hotel natin... Malakas ang kutob ko na ikaw ang hinahanap nila."

Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Katulad nga ito ng inaasahan niya.
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP