Matapos marinig ang sinabi ni Gerald, biglang tumigas ang mukha ni Aiden bago siya sumagot, “…Hindi namin alam kung saan banda sila sa Japan! Hindi ba parang hinahabol lang natin ang sarili nating buntot?"
“…Mukhang ganoon na nga,” sagot ni Gerald sabay buntong-hininga.
“Hindi natin kailangang magmadali. Sigurado akong mahahanap natin ang Seadom Tribe sa lalong madaling panahon," sabi ni Master Ghost.
“Tama. Oo nga pala , anong meron sa special forces competition sa sasalihan mo? Simulan n