Napansin rin ni Ray na may mali tungkol sa innkeeper, pero hindi niya matukoy kung ano iyon at nararamdaman niya na parang nababaliw siya dahil dito.
Umiling si Gerald bago siya sumagot, “Hindi pa ako sigurado kung masama siya o hindi, pero kahit papaano ay sigurado ako na may problema sa kanya. Kanina, nakita ko na patuloy siyang tumitingin sa paligid ng kwarto natin kanina, para bang may hinahanap siya. Ang hula ko ay mayroon siyang tinatago dito!"
Lalo siyang naghinala nang sabihin ng inn