Sa sandaling iyon, lumabas ang leader ng tatlong lalaking nakamaskara na kanina pa nakatayo sa likod ni Xyrielle, “Salamat sa pagligtas sa amin, sir! Ang pangalan ko ay Hubert Younger!"
“Oh? Nandito ka rin pala Mr. Hubert?" Sigaw ng matandang pari na agad ding binati ang tatlong lalaking nakamaskara. Makikita na magkakilala ang mga ito.
“Tama! Matapos matanggap ang iyong secret message na nagsasaad na ang Sacrasolis Mountain ay may problema, mabilis naman kaming sumugod para mag-imbestiga. H