Maririnig ang gulat at natutuwang boses mula sa isang middle-aged na lalaki na tumayo kaagad nang makita si Xavia.
"Matagal na panahon na nga talaga, tito!" Sabi ni Xavia sabay tango.
“Hmph! Tama nga ang sinasabi nila. Kapag mahirap ka, walang maghahanap sayo kahit na nakatira ka sa isang mataong city! Kapag yumaman ka, kahit ang pinakamalayong kamag-anak ay tatakbo para puntahan ka kahit na nakatira ka sa gitna ng kagubatan! Nagtataka nga ako kung narinig na ng kamag-anak ko na iyon na ang