Isang kakaibang itsura ang ipinakita ni Arianne kay Tiffany. “Okay, ano bang pinagsasabi mo Tiffie? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi at bangag ka ngayon?"
Inikot ni Tiffany ang kanyang mga mata. “Totoo ang sinasabi ko, hon! Kung bibilangin natin ang mga araw, nabuntis talaga ako bago pa man mabuntis si Tanya! Ha! Okay, okay—so, kahapon, napansin ko na parang ang tagal ko nang walang period, kaya pumunta ako para magpa-body checkup at bingo! Naka-jackpot ako! Ang tagal ko nang nagdarasal p