Makikita ang malumanay na ngiti kay Tiffany.
"Alam mo, nagtataka ako... Kung maayos at malaki lang siguro ang womb ko noong sinusubukan naming mabuntis ni Jackson, siguro nanganak na rin ako ngayon," sabi niya. “Isa talaga akong t*nga. Pinahihirapan ko ang sarili ko at kinaladkad siya sa selfishness ko. Iniisip ko kung magagalit ba siya sa akin dahil sa nangyari kagabi. Pero maghihintay ako. Ihahanda ko ang isip ko ngayong gabi at pagsapit ng umaga, kakatok ako sa kanyang bahay pagkatapos kong