Bumaba si Tiffany sa sasakyan at binigyan siya ng isang bote ng mineral water. “Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka pa rin ba komportable? Gusto mo ba sa harap ka na lang umupo? Baka mas gumanda ang pakiramdam mo doon.”
“Hindi magandang ideya iyon, di ba?” tanong ni Tanya. "Sa pagkakalaam ko, ang upuan sa harapan ng kotse ng isang lalaki ay para lang sa kanyang jowa... Okay lang ba sa inyo ni Jackson?"
Si Tiffany, na di kailanman naging sensitive, hindi man sumagi sa kanyang isip ang gano