Sa isang iglap, ang opisina ay naging magulo na may mantsa ng dugo sa sahig. Hindi pa nakakakita ng ganitong eksena si Arianne at nanginginig ang mga binti niya sa takot. Pinilit niya ang sarili na hilahin ang mga lalaking nag aaway nang makita niya na dehado si Eric. “Itigil na ang away na ito! Masasaktan mo lang ang sarili mo kung ipapagpatuloy niyo pa ito! Hindi niyo ba kayang pag usapan ang problema?"
Pinigilan ni Eric ang sarili na magwala pa nang makita niya si Arianne na papunta sa kanil