Tumanggi siyang maniwala na patay na si Mr. Sloane. Paano magpapadala ng sulat ang isang patay?
“Itigil mo muna ang kakaisip nito ngayon, Ari. Dahan-dahan nating gawin ang bagay na ito. Tutulungan din kitang pag-aralan ang pangyayaring ito. Ipinasa ko sayo ang sulat na ito ilang sandali lamang matapos kong matanggap ito. Base sa distansya mula dito patungo sa capital, hindi matagal bago matanggap ang sulat. Ang nagpadala ay buhay, o kahit papaano, noong nagpadala siya ng liham buhay pa siya. P