Gustong sampalin ni Robin ang kanyang sarili. Hindi niya ugali na mautal dahil kadalasan ay klaro ang kanyang pananalita, ngunit hindi niya ito mapigilan sa tuwing nakakasama niya si Sylvain.
Dumaan sila sa napakaraming mga scenery at ang distance sa bahay ni Robin ay paikli ng paikli. Napakatagal na nananahimik ang dalawa. Habang papalapit sila sa neighborhood ni Robin, tahimik niyang sinulyapan si Sylvain ng ilang beses. Nakikita pa rin niya ang parehong glow na meron siya sa unang pagkakatao