Hindi niya inaasahan na mababayaran siya ni Will nang napakabilis.
Huminto siya ng sandali bago sumagot, "Oo naman. Ipapadala ko ang mga details sayo mamaya. Sa totoo lang... kakaunting pera lang ang naibigay ko... tumulong si Mark para dito."
Natahimik si Will ng ilang segundo. Mararamdaman na nakangiti siya pero parang mapait ang tono niya. “Ah, ganun ba... Paki-thank you siya para sa akin. Napakabuti niya sayo. Makakapagpahinga ako ng maluwag dahil wala akong pagsisisihan. Handa pa siyang tulungan ako, dahil lang sa mahal ka niya. Masyado kong minaliit ang nararamdaman niya para sayo."
Hindi sigurado si Arianne kung anong sasabihin niya, kaya't sinagot niya ito ng "mm" at tinapos ang tawag. Pagkatapos nito ay ipinadala niya ang mga bank details ni Mark kay Will. Hindi niya ito ginagawa para magbati na sila ni Mark. Dapat ganito talaga ang ginawa niya noong una pa lang. Kasalanan niya ang nangyari sa simula pa lang. Kahit siya ay masyadong minalit ang pagmamahal ni Mark sa kanya.