Hindi alam ni Darryl kung matatawa ba siya o maiiyak sa harap ng ilang libong mga tao. Gusto lang talaga niyang ipaliwanag ang kaniyang sarili iisa ang kaniyang iniisip sa mga bagay na sinabi ni Dougles Jensen na nagsimula ng gulo nang siraan nito ang ibang mga sect leader.
Pero alam din ni Darryl na walang point ang pageexplain sa mga sandaling ito dahil tumatak na sa puso ng mga sect master ang pagiging tauhan ni Douglas kay Darryl.
Parehong tumingin sa isa’t isa sina Dax at Chester habang n