SLAP! SLAP! SLAP!
Napapapigil sa paghinga ang lahat sa bawat isang sampal na ibinibigay ni Darrly kay Trent habang napupuno ng katahimikan ang buong mansyon ng pamilya Lyndon.
Sa wakas, dumating na rin ang dalawang mga police mobile. Pinangunahan ng nakauniform na si Megan Castello ang kaniyang mga tauhan papasok sa mansyon. Matapos pumasok sa main hall, agad siyang binulaga ng eksena sa kaniyang harapan.
“Huwag kayong gagalaw!” Isang pulis ang naglakad papalapit sa pinangyarihan ng insiden