Hindi naging kumportable si Elsa dahil sa pressure ng pagtingin sa kaniya ng lahat. Gusto niyang magsalita pero hindi niya ito magawa.
Nakabalik na rin si William sa realidad at agad na sinabing “Tinakot mo talaga ako roon kuya! Hindi ako mapakali kaiisip kanina kung ano ang kundisyong hinihingi mo pero ito lang pala iyon!”
Hindi nagsalita rito si Trent, umaasa lang itong nakatingin kay Grandma Lyndon. Ang pinopropose niyang kasalan na ito ang magdedetermina sa kinabukasan ng pamilya Lyndon na