”Ano ang sasakyan ko? Hmm…Naniniwala talaga ako na ang silbi lang talaga ng sasakyan ay para makarating ako sa malalayong lugar kaya naisipan kong bumili ng isang pangkaraniwang sasakyan, isang Audi R8,” Sagot ni Darryl na nasa ilalim ng matinding pressure na nagmula sa tingin ng lahat.
Hindi siya nagkakamali rito. Ang isang Audi R8 ay isa lang entry level na sport car kung ikukumpara sa nagagandahang mga sports car sa buong mundo. Pero hindi pa rin ito matatawag na isang pangkaraniwang sasakya