“Oh!” Dito na bumalik si Lucifer sa realidad bago niya asikasuhin ang pagdischarge kay Magaera.
Pagkalipas ng ilang minuto, naayos na niya ang lahat kaya bumalik na siya sa kuwarto para umalis ng ospital kasama ni Magaera. Pero nang makarating sila sa pinto, agad silang napatigil sa kanilang nakita.
Click, click, click…
Maraming mga tao ang nagaabang sa pinto. Maraming mga reporter ang may hawak na mga camera habang walang tigil na kumikislap ang mga flash ng kanilang mga camera. Isang malaki