“Ang tinutukoy ko po ay ang maliliit na mga sekta sa Westrington. Sa pamamagitan ng iyong lakas at estado, Sir, magagawa niyo pong pagkaisahin silang lahat. Siguradong hindi po tatanggi ang mga ito sa inyo.”
Dito na malademonyong kumislap ang paningin ni Christopher. “Sapilitan natin silang pasusunurin sa sandaling mapagsama sama natin ang kanikanilang mga master.”
“Hindi po kalakasan ang mga sektang ito pero isa pa rin itong puwersa na hindi maaaring maliitin ng kahit na sino sa sandaling mag