Kabanata 6926
Sumigaw naman dito si Romeo, “Gusto mong tumakas?! Iniisip mo bang makakatakas ka sa amin?”

Sumabog ang lakas ni Romeo papunta kay Yusof na parang isang kidlat habang naririnig ng lahat ang mga salitang iyon sa hangin.

Nahuli lang ni Yusof si Romeo sa sinaunang libingan dahil masyado siyang nagpadalos dalos kaya hinintay niya ang pagkakataong ito para makapaghiganti kay Yusof. At ngayong nakuha na niya ang pinakahihintay niyang pagkakataon, hinding hindi na pakakawalan pa ni Romeo si Yusof.

Masyadong naging mabilis ang dalawa na nawala sa kakahuyan sa loob lang ng ilang segundo.

“Romeo!”

Napasigaw si Circe sa kaniyang nakita habang nagmamadali itong humahabol kay Romeo. Pero masyadong masukal ang gubat na iyon kaya agad na nawala sa kaniyang paningin ang imahe ng dalawa.

Dito na nakaramdam ng pagkabahala at galit si Circe.

Sakit talaga sa ulo itong si Romeo.

At higit sa lahat, masyadong bihasa si Yusof sa paggamit ng lason na nakilala rin sa kaniyang pagkatuso. Pero kahit na ma
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP