Kabanata 6879
Tumango ang Cloud Immortal sa pagpapakumbaba ni Darryl. “Sige! Hahayaan kong makuha mo ito ngayong kapalit nito ang buhay ng isang tao, pero tandan mo ang sinabi mo kanina sa akin. Mayroon ka ng utang na loob sa ginawa kong ito.”

Natuwa naman ng husto si Darryl sa naging sagot ng matanda. “Maraming salamat po, Elder.”

Hindi naman nagaksaya ng laway si Cloud Immortal, tumango ito bago siya nawala ng biglaan.

Nakahinga ng maluwag si Darryl nang makaalis ito. Dito na niya itinaas ang kaniyang mga kamay para kunin ang Water Cloud Crystal bago siya dalidaling umalis sa Spinheart Land.

Nang makabalik siya sa kristal na palasyo, nakita niya na naghihintay pa rin doon ang makaliskis na dragon.

Hindi na naitago pa ng dragon ang kaniyang tuwa at pagkagulat sa pagbabalik ni Darryl. “Kagalanggalang na Master, nakabalik na po kayo! Grabe, nagalala po ako sa inyo.”

Habang nagsasalita, nakita ng dragon ang Water Cloud Crystal sa mga kamay ni Darryl kaya hindi makapaniwala nitong sinabi na. “Kak
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP