Kabanata 6874
Mukhang tama ang direksyon na kaniyang tinatahak.

Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti si Darryl nang maramdaman niya ang lamig sa kaniyang paligid, at sa halip ay mas tumindi pa ang kaniyang pananabik.

Nabanggit ng dragon na kasing lamig ng yelo ang tubig malapit sa Spinheart Land. Nangangahulugan lang ito na malapit na siya sa kaniyang destinasyon.

Pagkatapos ng sampung minuto pa ng paglangoy, nakita ni Darryl ang pagdilim ng tubig sa kaniyang harapan. Makikita rin dito ang isang whirlpool sa kaniyang paligid.

Mas tumindi pa ang paglamig ng tubig noong mga sandaling iyon, pumasok ang lamig sa kaniyang mga buto na parang isang libong karayom na gawa sa yelo. Masyado na itong matindi maging para kay Darryl.

Pero hindi pa rin nagpanic si Darryl at sa halip ay ginamit niya ang enerhiya ng Red Lotus Fayette para bumuo ng isang protective shield sa kaniyang paligid na naghiwalay sa kanyiang katawan sa napakatinting lamig ng tubig habang lumalangoy.

Pagkalipas ng ilang minuto, muli
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP