‘Isang malaking kahihiyan ang mamatay sa kamay ng mangkukulam na ito.’ Isip ni Darryl.
“Master!”
“Master, hindi!”
Dito na nagreact at sumigaw sina Lilo at Joanne. Gustong sumugod ng mga ito para pigilan ang kanilang master pero huli na ang lahat.
Nang bigla nilang marinig ang angil ng isang dragon nang malapit ng tumusok ang kutsilyo sa katawan ni Darryl bago magpakita ang isang dambuhalang imahe na lumipad papunta sa dalawa. Ito ang makaliskis na dragon na kanilang naengkwentro kanina.
Nan