Nagtamo ng maraming sugat sa katawan si Mickey habang walang tigil siyang nauubusan ng dugo. Naputol ng Golden Ring Venomous Millipede ang kaniyang binti nang iwasiwas ng halimaw ang kaniyang buntot.
Nagulat ang lahat pero walang kahit na sino ang naawa kay Mickey. Masyado itong arogante, mapagmalaki at walang awa kaya dapat lang na mangyari sa kaniya ang bagay na iyan.
Mas naging mabagsik ang Golden Ring Venomous Millipede nang masaktan nito si Mickey. Malakas itong sumigaw bago ito tumitig s