“Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na wag mo na akong tawaging Kuya. Tawagin mo akong Sect Master at ang asawa ko ay Sect Mistress. Bakit hindi mo kayang matandaan ‘yon?” Tinitigan siya ni Dax. “Isa na tayong sekta ngayon, kailangan nating umasta at magsalita nang kalmado. Wag kang mataranta.”
Ang miyembro ay paiyak na.
“Anong problema? Sabihin mo sakin.” Kalmadong sinabi ni Dax.
“Kuya Dax, Leroy… Nakatakas si Leroy.”
Ano?!
Ugh! Agad na tumayo si Dax at naging blangko ang utak niya. “Anong