Parang sasabog na si Dax sa lakas ng internal energy na pumapasok sa kaniyang katawan.
Nangitngit naman ang mga ngipin ni Callum habang ipinapasa ang pinaghirapan niyang internal energy mula sa buong buhay niyang pagpapalakas kay Dax, hindi maaaring ipasa ng kahit na sino ang kaniyang internal energy sa ibang tao pero sinanay ni Callum ang technique na tinatawag bilang Grafting Method. Tanging Eternal Life Palace lang ang nagmamayari sa technique na ito at tanging ang pinuno lamang ng sekta ang