Pagkalipas ng higit sampung minuto, lumabas ang mga disipulo ng True Flame Sect para sugurin nang buong lakas ang Godly Secret Realm.
…
Sa kabilang banda, kasalukuyan namang nakaupo si Evan sa sahig ng kuwarto na nakalaan sa Sect Master na matatagpuan sa main altar ng Heavenly Ocean Sect para magpahinga at magpalakas.
Dito na naglakad papasok ang head elder na si Martin nang may pawis na noo. “May hatid po akong hindi magandang balita sa inyo, Sect Master! Mayroon pong nangyari sa North Sea Galaxy… Inatake po nila ang True Flame Sect nang mamatay si Zacho para ipaghiganti ito na nagresulta sa pagkamatay ng napakarami nilang mga miyembro. Nagpadala ng request ang North Sea Galaxy para humingi ng tulong sa Heavenly Ocean Sect…”
Hindi na mabasa ang itsura ni Martin habang nagsasalita.
Magkakampi ang turin ng North Sea Galaxy at True Flame Sect kalahating buwan pa lang ang nakalilipas at nagawa pa ng dalawang ito na magpunta sa Pure Yang Division para sapilitang kunin ang lihim na scr