Ilang araw na ang nakalilipas, pinuwersa ni Archfiend Antigonus si Morticia na amining si Darryl ang ama ng kaniyang anak. Nagalit nang husto si Archfiend Antigonus noong mga sandaling iyon pero hindi pa rin nito nagawang maisip ang tungkol sa pagpatay kay Morticia hanggang sa magdesisyon itong ikulong na lang sa barko si Morticia. At si Forsythe ang kaniyang naatasan na magbantay dito.
Kadadating dating lang ni Forsythe sa daungan. Kasalukuyan siyang naglalabas ng hinanakit sa kaniyang sarili nang mapansin niya ang mga guwardiyang nagbabantay sa mga barko. Mabuti na lang at itinuon ng Eternal Life Palace Sect ang kanilang puwersa sa Wishing Star Tower, walang kahit na sino sa kanila ang pumansin sa mga barko ng Sea Dragon Palace.
Agad na nagmadali si Forsythe na sumakay sa isa sa mga barko.
“Pinunong Forsythe,” Buong galang na tawag ng mga elite ng Sea Dragon palace habang nagpapakita ng kumplikadong itsura ang kanikanilang mga mukha.
Ito ay dahil nakita nilang balot ng dugo ang b