Nang walang hesitasyon, hinugot ni Zacho ang mahabang espada niya at sumugod nang may malakas na pwersa sa mga disipulo.
"Argh!" Sabay na sabay na iyak ang maririnig sa isang iglap. Ang espada ni Zacho ay humiwa ng dosenang disipulo, na siyang naging dahilan sa pagbagsak nila sa dagat ng dugo.
Ang mga disipulo ng True Flame Sect ay galit. Namumula ang mga mata nila, at nagmadali silang palibutan si Zacho, hindi pinapansin ang sariling buhay nila.
Gayunpaman, handang handa si Zacho. Mayro'n siyang pambihirang abilidad bilang master ng sektang North Sea Galaxy. Paano siya malalabanan ng mga disipulo sa True Flame Sect habang puno siya ng galit?
Ang mga tunog ng armas na tumatama at ang iyak ng laban ay umalingawngaw sa buong plaza.
Ang magandang mukha ni Rachelle ay nanatiling walang emosyon sa sitwasyon. Malamig siyang umakto sa trahedyang pagkamatay ng mga disipulo.
Nawala ni Rachelle ang pakiramdam niya sa mga disipulo na 'yon pagkatapos maging puppet ni Prince Auten. Alam