Ginamit ni Darryl ang kaniyang divine power at gumuhit ng enchanted barrier pagtapos niyang suriin ang paligid ng pormasyon para siguruhing walang problema.
Sa harang na iyon, walang makakapasok sa Chaos Teleportation Array kahit na pilitin pa nila.
Pagtapos ay umalis si Darryl sa Godly Secret Realm at dali-daling nagtungo sa Pure Yang Division.
…
Sa Altar ng True Flame Sect, tahimik sa gitna ng hating gabi.
Sa daan patungong sikretong silid sa likod ng burol, mabagal na naglakad si Rachelle habang hindi maitago sa maamong mukha nito ang pagkalito.
Lubusan siyang natakot nang isipin niya ang tungkol sa kakaibang pagkilos ng kaniyang Sect Master noong umaga. Pagtapos ay nagdesisyon siyang tingnan ang sikretong silid.
Kinonsiderang lubhang ipinagbabawal na lugar ang sikretong silid kung saan nag-cultivate ang Sect Master. Subalit bilang banal na madre at bilang malapit kay Adam na tila magkapatid, hindi pa kailanman tinanggihan ni Adam si Rachelle sa tuwing nag cu-cultivate ito sa