Sa gitna ng mga pag-uusap, kaagad na nag-utos ang mga opisyal. “Bilis, maghanap sa paligid. Patumbahin ang sino mang inyong makasalubong.”
Nagalit ang mga opisyal nang sandaling iyon.
Hindi maaaring walang lumabas sa ganoong pangyayari. Paniguradong mayroon nang nauna rito at kinuha ang mga kayamanan. Dapat ay pagmamay-ari ito ng True Flame Sect, paano iyon napunta sa kamay ng iba?
Kaagad na mabusising naghalughog ang mga miyembro ng True Flame Sect.
…
Sa puntong iyon, sa kabilang dulo.
Tumayo sa labas ng tent si Rachelle, hindi na nagawang itago ang pag-asa sa kaniyang mga tingin.
Kailangang matunton ng pupils ng True Flame Sect ang lokasyon pinanggalingan ng kayamanan kung saan naging sobrang lakas nito at nakayang makagawa ng ganoong pangyayari.
Nanatili ang atensyon ni Rachelle sa butas na nasa kaniyang harapan. Hindi niya napagtanto ang tahimik na pagpasok sa tent ng magaang huni ng spirit shadow sa kaniyang likuran.
Halos transparent ang spirit shadow, halos imposibleng