Hoho…
Hindi naman nagpanic si Zacho nang makita niya ang galit ni Adam habang sumisingal at ngumingisi nitong sinasabi na, “Hinding hindi na makakaalis sa pagiging second class sect kahit na kailan ang munti ninyong True Flame Sect, Adam Bedford. Walang wala ka kung ikukumpara sa tatlong naglalakihang mga sekta.
“Maaari ngang malakas at matalino ka pero wala ka pa ring panama sa akin. Mas mabuti kung susundin mo na lang ang suhestiyon mong tumigil sa paghihiganti sa akin. Ang dapat mo lang gawin ay yumuko sa akin ng tatlong beses para makalimutan ko ang lahat ng samaan natin ng loob.
“Pero kung magpupumilit kang maghiganti, wala na akong magagawa kundi gamitin ang buo kong makakaya para burahin ka at ang True Flame Sect sa mundong ito na isang malaking trahedya para sa inyong lahat. Huwag na huwag mong kakalimutan na hindi lang ako ang head ng Elixir Sector sa Pure Yang Division dahil kasalukuyan din akong pinoprotektsyunan ng Saber Saint kaya iniisip ko kung ano nga ba talaga ang l