Hindi naman nakasagot si Rachelle sa kaniyang narinig. Nanginig nang husto ang kaniyang katawan sa sobrang galit. ‘Wala talagang awa ang lalaking ito. Alam niyang umaarte lang ako pero nagawa pa rin niya akong sakyan hanggang ngayon.’
At sa wakas ay tumigil na rin si Darryl sa harapan ng isang waterfalls. Naalala niya ang lugar nai to noong huli siyang magpunta sa Godly Secret Realm na nangangahulugang malapit na sila rito.
Ibinaba niya si Rachelle sa isang patag na bahagi ng kakahuyan bago siya magpunta sa waterfall para maghilamos. Ito ang dahilan kung bakit sila nagawang mahabol ni Adam.
At nang Makalapit siya kay Darryl, tumigil siya sa paglalakad bago siya bumunot ng mahabang espada para itutok kay Darryl habang nanlalamig na sinasabing, “Darryl! Pakawalan mo na si Rachelle.”
Nabalot naman ng galit si Adam. ‘Buwisit, napakaperpekto na ng plano ko pero agad niya itong nakita noong simulan namin ito. At hindi lang iyon dahil nagawa rin nitong dukutin si Rachelle! Argh! Mas tumit