Kasama ang seryosaong tingin sa kanyang mukha, hindi masayang sambit ni Morticia, "Huwag ka nang magtanong. Maiba tayo, hindi ka magkakaroon ng ideya sa hinaharap. Kung hindi, huwag mo akong sisihin maging malupit, naiintindihan mo ba?"
Kahit na pinagsamantalahan ni Archfiend Antigonus si Morticia. nanatili siyang tapat sa kanya. Wala na siyang naririnig na kahit anong salita na nagpapahiwatig na ipagkanulo niya ito.
Napaatras si Forysthe nang nakita niya ang reaksyon nito at tumango. "Pakiusap huwag mo ako sisihin, Kamahalan. Nag-aalala lang ako sa'yo. Hindi ko ito babanggitin ulit ngayong sinabi mo na 'to."
Inakay niya si Morticia sa water dungeon matapos sabihin iyon.
Pagbalik ni Forsythe sa bulwagan, napansin niya si Archfiend Antigonus na nakaupo, bahagyang nakasimangot na parang may iniisip.
"Kamahalan!" Dahan-dahang lumapit sa kanya si Forsythe at magalang na nagtanong, "Ano ang magagawa ko para sa'yo sa susunod?"
Matapos mag-isip ng ilang sandali, sinabi ni Archfien