Nang pumunta si Darryl, nakita niya si Alfredo na umalis palabas ng kwarto. Hindi man niya alam ang nangyari, alam agad ni Darryl na kontrolado ni Rachelle ang ulo ng mga bandito sa paraan ng pagtayo ni Alfredo sa pintuan ng mga rebulto.
'Nakakamangha.'
Kumurap ang mga mata ni Darryl, at naglagay siya ng isang ngiti.
'Hindi gano'n ka-simple ang babaeng 'yon.'
Ilang sandali, nagkaroon ng paghikayat si Darryl na pumasok at tanungin si Rachelle, pero pagkatapos ng pagda-dalawang isip, binalewala niya rin ang ideya na 'yon.
'Hindi magiging kamangha-mangha na ilantad siya ng gano'n lang. Makikita natin kung anong balak niya bukas.'
Pagkatapos, tahimik siyang umalis at bumalik sa kanyang kwarto para magpahinga.
...
Sa sumunod na araw, habang tulog pa rin si Darryl, nagising siya sa malakas na katok sa pinto.
Tapos, isang bundok na bandito ang walang galang na sabi, "Hoy, nandito ako para ipadala ka malayo mula sa kubo. Bumangon ka na. Huwag kang patamlay-tamlay kasi kapag n