”Malaki ang halaga ng dalawang pill na iyan. Sana’y hayaan ninyo akong mabuhay, mga ginoo.”
Medyo nakangiti si Darryl at mukhang kalmado nang sabihin niya iyon.
Halos isang libong taon nang wala ang art of Elixir sa Cryolet Continent. Malaki ang halaga ng isang pill tulad ng Spirit Returning Pill.
‘Haha…’
Kumislap ang mga mat ani Rachelle habang nakatingin siya sa dalawang pill na hawak ni Darryl, hindi niya mapigilang mapasinghal sa kaniyang loob.
‘Hindi naman mang mang si Darryl. Talagang naisip niyang maliligtas ng dalawang pill na iyon ang kaniyang buhay.’
Sa kabilang banda, nagulat naman sina Alfreado. Wala silang masabi habang nakatingin sa mga pill na nasa kamay ni Darryl.
Halos isang libong taon nang wala ang art of Elixir at mayroong dalawang pill ang lalakeng nasa kanilang harapan. Paanong hindi sila magugulat?
Makalipas ang ilang segundo, si Alfredo ang unang nakapag-isip. Hindi niya naitago ang pagkasabik habang nakatitig kay Darryl.
“ito ba ang Spiritual Returning