Nagtanong si Darryl tungkol sa nakaraan ni Rachelle.
Dumating nang handa si Rachelle. Madali niyang nasagot ang bawat tanong at mahirap siyang mapaamin.
Walang magandang rason si Darryl para patuloy niyang tanungin ang babae.
Pagtapos kumain, umupo si Rachelle sa tabi ng apoy at nagpatuyo ng damit. Pagtapos ay naglakad siya palapit kay Darryl at nagsalita gamit ang mahinang boses. “Paniguradong pagod ka na, Sir. Hayaan mong masahiin ko ang inyong binti.”
Banayad at maalaga si Rachelle, pero nakita ang bakas ng lamig sa kaniyang mga mata.
Plinano niyang magsagawa ng Charm Person Spell sa lalake. Malaki ang tiwala niya sa kaniyang ganda at naniniwala siyang walang sino mang lalake ang makakatanggi sa kaniya.
Pero kailangan niyang maging malapit kay Darryl para masagawa ang Charm Person Spell, kaya namansuhestyon niyang masahiin ang binti nito.
Tumingin si Darryl sa magandang mukha ni Rachelle at napaisip. ‘Sinusubukan niya ba akong akitin? Sa wakas ba’t napagdesisyunan niya nang u