Habang nagsasalita si Darryl naluha si Rachelle habang sinisimulan ang kaawa awa niyang kuwento kay Darryl.
“Marami ka pa pong hindi nalalaman, sir. Masyado… masyadong nabalot sa trahedya ang aking buhay… hindi po ako nakatira rito dahil nagmula po talaga ako sa Emerald Cloud Lake na may layong isang daang li mula rito. Nagmula ako sa isang barrio ng mga mangingisda na naghahanap buhay sa lawa hanggang sa tamaan kami ng isang matinding trahedya.
“Inubos ng isang nakahahawang sakit ang buo kong pamilya at ang barrio na aking pinagmula. Sinuwerte akong makalabas ako nang buhay doon pero mula noon ay kailangan ko nang mamuhay nang magisa, pero hindi ko inasahan na bibiktimahin ako ng mga hayop na mga lalaking nagmula sa Four Seas Alliance kanina…
“Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi niyo ako nagawang makita…”
Iniyuko ni Rachelle ang kanyiang ulo habang pasimpleng tumitingin kay Darryl paminsan minsan.
Ginawa niya lang siyempre ang kuwentong ito para makuha ang