Agad na ngumiti si Darryl nang maisip niya iyon habang sinasabi niya kay Tony na, “Ah, nagmula ka pala sa Four Seas Alliance. Hindi na ako magtataka kung bakit parang gusto niyo lagi na maghanap ng gulo.”
Dito na lumalim ang kaniyang boses habang nagsasalita, “Gusto kong malaman, ito ba ang itinuro sa inyo ni Lady Tigas? Na maghasik ng lagim at gulo sa paligid?”
Kahit na hindi niya masyadong nakilala si Lady Tigas, alam pa rin ni Darryl na puno ito ng prinsipyo sa buhay kaya hinding hindi nito hahayaang mangapi ang kaniyang mga tauhan ng mga mas mahina sa kanila.
Huh?
Hindi inasahan ni Tony ang naging sagot ni Darryl. Hindi niya inasahan na ganitoa ng sasabihin ni Darryl sa kanila. Kung aalalahanin ang kanilang plano, inakala nila na bigla silang aatakihin ni Darryl para iligtas si Rachelle.
Hindi inasahan ni Tony na babanggitin ni Darryl si Lady Tigas.
Kasabay nito ang pagkunot ng noo ni Rachelle nang bahagya habang nagsisimulang magisip sa kaniyang sarili.
‘Base sa tono ni Dar