Sa loob ng isang iglap, nagsialis na sa lugar na iyon ang karamihan sa mga sekta.
Whew…
Dito na huminga nang malalim si Zacho. Dito na siya tumingin sa namatay na si Vincent bago ito tumingin kay Martin para seryosong sabihin na, “Nakikiramay ako sa inyo Elder Martin. Ngayong marami na sa atin ang sumuko, mas mabuti siguro na tumigil na rin ang North Sea Galaxy sa ating misyon. Maghiwalay na tayo rito.”
Habang nagsasalita, tinawag ni Zacho ang mga disipulo ng North Sea Galaxy para umalis.
Tanging sina Martin, Adam at ang mga disipulo na lang ng True Flame Sect ang natira roon.
Nang makita niyang umalis ang lahat, nagalit nang husto si Adam habang galit itong sumisigaw ng, “Hayop! Wala nang kasing duwag ang mga ito.”
Habang nagsasalita, tumitig nang husto si Adam kay Martin.
“Elder Martin, hindi natin pupuwedeng hayaan ang ganitong klase ng kataksilan. Huwag kang magalala dahil magpapatuloy ang True Flame Sect sa pakikipaglaban para sa iyo at sa Heavenly Ocean Sect. Gagawin ko an