Kahit na ano pa ang katotohanan, kailangan pa ring mamatay ni Darryl Darby.
Nang maisip niya iyon, galit na sumigaw si Vincent ng, “Kayong lahat, patayin ninyo ang lalaking ito!”
Nang marinig ng lahat ang mga salitang iyon sa ere, agad na sumabog ang kaniyang internal energy habang hinahawakan niya nang mahigpit ang kaniyang espada para sumugod papunta sa direksyon ni Darryl.
Para kay Vincent, si Martin pa rin ang head elder ng Heavenly Ocean Sect sa bandang huli kaya sigurado siya na hindi manganganib nang ganoon kabilis ang buhay nito kahit na napapaligiran ito ng ilang mga tao.
Kaya ang pinakaimportante sa lahat ay ang hindi pagsali sa labang iyon kundi ang pagsugod muna kay Darryl.
Hindi na nakontrol ni Vincent ang kaniyang galit nang maalala niya ang pagtanggi ni Gigi sa kaniyang proposal nang dahil kay Darryl at ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na si Sherman sa ilalim na siyudad nang dahil dito.
Kasabay niyang lumipad ang mga elite ng Heavenly Ocean Sect papunta sa direks