Mabilis na umiling si Preston at pinilit niyang ngumiti kay Cormac. “Hindi, hindi… wala akong bilang. Sino ba ako para makipag-usap at magsanay ng cultivation methods kasama si Master?”
Inobserbahan ni Preston ang reaksyon ni Darryl nang magsalita siya.
Magiging sobrang yabang ni Preston sa ibang tao, pero hindi siya nagtangkang magmataas sa harap ni Darryl.
“Master.”
Mabilis na pinagitnaan ni Darryl ang sitwasyon nang makita niyang awkward ang hitsura ni Preston, kinausap niya si Cormac. “Master, isa iyong mahabang paglalakbay at kailangan na nating magpahinga ngayon. Umisa o dumalawang tasa tayo sa banquet mamaya.”
Tumango si Cormac anng matawa siya. “Haha! Sige.”
Tinawag ni Darryl sina, Lindsey, Preston, at Sofia para palabasin ang papuntahin sa punong hall at bumalik sa Elixir Sector.
Lumubog ang araw sa isang kisapmata.
Buhay na buhay ang paligid sa punong hall.
Ipinag-utos ng Palace Master sa ilang Great Elders na samahan siya para sa selebrasyon ng pagbabalik ni Darryl.