Ngumiti naman si Cody habang kinukuha ang buhok nina Ambrose at ng sanggol.
“Paano ko naman pong magagawang magsinungaling sa inyo, kamalahan? Ito po ang buhok ng bata habang ito naman po ang buhok ni Ambrose. Masyado pong mapanganib ang pinagdaanan ko para rito pero nagawa ko pa ring makuha it sa huli.”
Habang nagsasalita, ibinigay ni Cody ang mga gamit kay Veron.
Whew…
Dito na kinuha ni Veron ang mga buhok. Siniguro niya na kagaya ito ng inilarawan ni Cody, wala na siyang naramdaman maliban sa tuwa.
“Hindi na masama. Dalhin mo ako sa ospital ngayundin.”
Napagisip isip na ito ni Veron. Siguradong mapapatunayan niya na kay Heather at Ambrose ang batang ito sa sandaling magmatch ang genes ng dalawa. Siguradong hindi na makakalampas pa si Heather kay Veron sa sandaling mapatunayan niyang totoo ang kaniyang hinala.
Mas makabubuti kung hindi ito totoo. Mangangahulugan ito na walang ginawang kalokohan sina Heather at Ambrose kaya mayroon pang tiyansa si Veron na pumasok sa buhay ni A