Nang marinig niya ang mga salitang ito sa ere, napailing na lang si Ambrose habang sinasabi na, “Huwag kang magisip ng ganiyan. Paano mo naman naging kasalanan ang lahat ng ito? Bantayan mo ang bata, ako na ang bahala rito.”
Habang nagsasalita, hinawakan niya ang mga balikat ni Heather na para bang kinocomfort niya ito.
Agad namang nagsalita si Heather bago siya tumingin kay Cody, “Kuya Ambrose, sumusunod lang siya sa utos kaya huwag mo siyang sisihin.”
“Alam ko.”
Tumango naman si Ambrose habang ipinapakita ang bagsak niyang mukha.
At pagkatapos ay tumingin naman si Ambrose kay Cody habang naiinis nitong sinasabi na, “Sumama ka sa akin.”
Umalis siya sa kuwarto habang nagsasalita. Sabagay, kuwarto pa rin ito ni Heather kaya hindi dapat na manatili sa lugar na iyon si Cody.
Nagmamadali namang tumayo si Cody bago ito sumunod kay Ambrose sa sobrang takot.
Nang makalabas ang dalawa, napahinga na lang nang malalim si Ambrose bago siya tumingin kay Cody habang sinasabi na, “Hindi ka m