Nagawang magpakita ni Zhurong sa pinakaimportanteng sandali ng laban gamit ang kaniyang technique na ginagamitan ng apoy para mapaatras si Antigonus.
Maaari nating sabihin na nagtagumpay ang panig ni Chester sa labang iyon.
Pero kahit na nanalo sila sa laban, hindi pa rin naging kampante si Chester sa mga bagay bagay. Inutusan niya ang mga disipulo ng Elysium gate na higpitan ang seguridad sa paligid bago siya tumayo kasama nina Dax, Zhu Bajie at ng iba pa nilang mga kasama para hintayin ang pagbabalik ng Sea Dragon Palace.
Ilang araw na ang nakalilipas pero wala pa rin ni anino ng Sea Dragon Palace ang kanilang naaaninag. Kaya wala nang nagawa si Chester kundi bumalik sa Hidden Hero Sect kasama ng iba sa ngayon.
Wala nang ibang naramdaman ang Hidden Hero Sect maliban sa tuwa nang malaman nila ang pagtalo nina Chester at ng mga kaibigan nito sa Sea Dragon palace. Ito ang dahilan kung bakit espesyal na naghanda si Debra ng malapiyestang mga handa na magpapatakam sa sinumang makakala