Kumalma si Lindsey dahil mukhang palakaibigan si Adam di tulad ng iba na mukhang agresibo, determinado siyang umiling.
“Hindi… hinding-hindi ko sasabihin sa’yo.”
Tumingin sa paligid si Lindsey at pinagalitan ang mga tao. “Lahat kayo ay parang mga piratang pumasok sa tahanan ko. Umalis na kayong lahat, kundi ay… kundi ay hindi ako magiging mabait.”
Kahit na bata pa si Lindsey, mayroon siyang malakas na karakter at hindi niya babaguhin ang kaniyang mga prinsipyo.
Para sa kaniya’y kahit na hindi kailanman nakatikim ng liwanag ng araw ang underground city, tulad ng underground ancient tomb, tinayo pa rin ito ng kaniyang ama kaya isa itong tahanan para sa kaniya. Kaya naman pinapaalis niya ang mga pumasok dito.
‘Wow!’
Kagaad na nagulat ang lahat, galit na galit ang mga ito.
“Sino ka para pagsalitaan kami, maliit na bata?”
“Ang bata bata mo pa tapos mainitin ang ulo mo. Anong lakas ng loob mong tawagin kaming mga pirata?”
“Wala kang ideya kung ano ang pinapasok mo. Itali at torture-