At nang matapos si Chad sa kaniyang sinasabi, agad na umabante ang kaniyang katawan kasama ng hawak niyang Flying Cloud Double Blade. Gumawa ito ng dalawang ray ng liwanag na parang mga bulalakaw habang lumilipad papunta kay Joewel. Gusto niyang ipakita kung gaano kalakas ang Godly Eagle Sect sa lahat kaya hindi na niya pinigilan pa ang kaniyang sarili na umaatake para patayin si Joewel.
Nahiwa at nagkahiwahiwalay ang ere sa lugar na dinaraanan ng Flying Cloud Double Blade na nagpakita sa lakas nito. Kaya agad na nagalala ang mga tao kay Joewel nang makita nila iyon.
“Napakalakas!”
Hindi na ako magtataka kung bakit ito nasama sa listahan ng mga nangungunang sandata. Masyadong kahanga hanga ang ipinakita nitong potensyal.”
“Magagagawa kayang salagin ni Joewel ang pagatakeng iyon.”
Nanatili namang kalmado si Joewel habang naguusap ang mga tao sa paligid.
Napaatras ng isang hakbang si Joewel habang itinataas nang pahiga ang kaniyang scabbard sa harapan ng kaniyang katawan matapos ma