Pagkatapos ng huling sinabi, si Sherman ay nagmadali sa pormasyon na ginawa ni Darryl.
Nakapag-desisyon na si Sherman. Tutulungan niya si Vincent na hulihin si Darryl at hahabulihin si Sofia pagkatapos. Tsaka, madali lang kalabanin si Darryl dahil wala siyang lakas.
Gayunpaman, nagkamali siya.
Anong nangyari? Bwisit!
Nagulat si Sherman pagkatapos pasukin ang pormasyon. Naramdaman niya na parang gumagalaw ang punong nasa harap niya. Mayroong ilang mga puno sa pagitan niya at ni Darryl, kahit na anong bilis ang gawin niya.
"Senior Brother!"
Tameme, hindi mapigilan ni Sherman tanungin si Vincent, na siyang nasa malapit, "Anong nangyayari? Bakit kakaiba ang mga puno sa lugar?"
"Alam ko." Nakangusong sabi ni Vincent, "Kung wala lang kakaibang mga puno sa paligid ko, hindi na ako hihingi ng tulong sa'yo."
Nag-usap sila saglit bago subukang habulin si Darryl. Ang nakakapaglugmok sa kanila ay kahit na anong gawin nilang pagtutulungan, ilang metro pa rin ang layo nila kay Darryl